Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
11 September 2024
 
Sa pananaw ng mundo, ang mga taong dukha ay kapus-palad. Subalit kay Hesus, ang mga dukha, na tanging Diyos lamang ang yaman, ang tunay na 'mapalad.'

Magandang 'kapalaran' ang tingin ng mundo sa mga nagkakamal ng pera at kapangyarihan. Subalit kung alipin naman ng yaman ang kanilang puso, sila ang tunay na 'sawimpalad.'

Pagsumikapan natin na maging mapagbigay kaysa maging mayaman upang matuto tayong magmahal sa biyaya ng buhay at hindi sa halaga ng pera.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN