 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 16 September 2024 |
| |
|
Tayong lahat na binyagan ay pinag-uugnay ng bigkis ng pananampalataya na hindi kayang tunawin kahit ng kamatayan. Kabilang tayo sa "kasamahan ng mga banal." Dahil dito, maaari tayong magbahaginan ng mga kaloob - materyal at ispiritwal - sa buklod ng pag-ibig.
Maaari tayong humiling ng panalangin sa kapwa Kristiyano sa lupa at sa mga banal sa langit. Nagkakatulungan ang lahat ng kaanib ng Simbahan sa kanilang mga pangangailangan. Mabisa ang 'prayer of intercession.' Higit na may kapangyarihan ang ating panalangin para sa kabutihan ng kapwa kaysa sa pansarili lamang.
*Lunes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|