Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 September 2024
 
Hindi lahat ng pagkabagabag ay nagiging sandali ng biyaya. Sa ebanghelyo, lubhang nabagabag si Herodes nang mabalitaan ang mga bagay tungkol kay Hesus. Pero hindi ito nauwi sa personal na relasyon sa Kanya. Mababaw ang kanyang paghahangad: ang makakita lang ng mga himala ni Hesus.

Huwag nating palampasin ang pagdalaw ng Diyos sa mga sandali ng pagkabagabag. Maging bukas ang puso sa pagsisisi. Ito ang pintuan sa mas malalim na kaugnayan kay Hesus.

*Huwebes sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN