 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 29 September 2024 |
| |
|
Likas na siguro sa tao ang magtangi. May nagtatayo ng mga grupong exclusivo sa iba't ibang dahilan. Maaaring magsimula ito na may banal at kahanga-hangang layunin. Pero sa paglaon, nauuwi ito sa kaisipan at gawing "kami-kami" o "tayo-tayo." Lumilikha ng dibisyon sa komunidad. Naa-out of place ang mga karaniwang tao, na itinuturing nilang di kauri.
Kay Hesus, walang sinuman ang maaaring magkaroon ng monopoliya sa paggawa ng mabuti. Walang exclusibong grupo ang maaaring mag-angkin ng kabutihan, kabanalan at kabutihang-loob.
Ang Simbahan ay hindi isang samahan ng mga 'elite.' Ito ay isang pamayanang itinatag ni Hesus para sa lahat. Ang kanyang misyon ay para sa lahat. Bawat binyagan ay pinagkalooban ng Espiritung sumasa-lahat.
Ang kahulugan ng 'Katoliko' ay taliwas sa kaisipan at gawing exclusibo.
*Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon [B] |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|