Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
04 October 2024
 
Hindi kasalanan ng araw kung may taong namumuhay sa dilim kung siya mismo ang tumalikod sa liwanag.

Hindi Diyos ang nagpaparusa sa ating pagkakasala. Sa bawat pagtanggi natin sa alok ng Diyos ng pagmamahal, tayo ang nagdadala ng kahatulan sa sarili.

Nakapanghihinayang ang biyayang nawawala dahil sa ating pagpapabaya. Subalit mas nakakatakot kung mawawala ang kakayahan nating marinig pa ang tinig ng Diyos dahil nasanay nang nakapinid ang ating puso sa tawag ng pagbabago.

*Biyernes sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN