 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 06 October 2024 |
| |
|
Ang pagtutuwang ng lalaki at babae bilang mag-asawa ay pagbabalik sa orihinal na layunin ng Diyos sa paglikha ng tao. "Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa at sila ay magiging isa..."
Tumitingkad ang larawan ng Diyos sa wagas na pagmamahalan ng mag-asawa sa sakramento ng kasal.
Sa katapatan ng mag-asawa sa isa't isa, kapwa sila nagiging buhay na larawan ng Diyos, na unang nagmahal nang tapat sa ating lahat.
Bokasyon ng mga mag-asawang Kristiyano ang maging buháy na modelo ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan.
*Ikadalawampu't pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|