 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 08 October 2024 |
| |
|
|
Ang taong maisip ay hindi maligaya. Paano ba naman ay palagi niyang titingnan ang iba at iisiping siya ay nalalamangan. Tila ganyan ang kaisipan ni Marta. Pinag-iisipan niya si Maria. Parang nilalamangan siya. Abala siya sa kusina subalit ang kanyang kapatid ay hindi man lamang tumutulong at laging nakabantay kay Jesus. Inutusan pa niya ang Panginoon na pagsabihan si Maria. Para lumigaya, kung may gawang mabuti ay manahimik at huwag pag-isipan ang kapwa. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|