Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 October 2024
 
Ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay yaong ang tanging kayamanan ay pera.

Sa buhay, ang mga biyaya na di natin kayang bitawan ang nagiging sanhi ng ating kalungkutan. Bakit? Sapagkat ang inaakala nating seguridad sa buhay ay nagiging sanhi pala ng ating kaalipinan.

Ang susi sa paglaya ay pagbabahagi at pagdamay. Sa pagtanggi sa sarili, nagiging malaya tayo para sa iba. Sa ating pagtalikod sa bagay, nagkakaroon ng puwang ang Diyos at kapwa sa ating puso.

*Ikadalawampu't walong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN