Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
14 October 2024
 
Likas sa tao ang hanapin ang Diyos sa mga kagila-gilalas at kahanga-hanga. Dinarayo ng marami ang umano'y mga lugar ng milagro. Di natin pinapansin ang mga bagay na karaniwan.

Subalit ang totoo, nagpapahayag ang Diyos sa anyo at paraang ordinaryo. Patuloy Siyang nagkukubli sa likod ng mga karaniwang pangyayari. Sa mata ng nananalig, buháy at aktibong gumagalaw ang Diyos sa ating buhay.

*Lunes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN