 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 16 October 2024 |
| |
|
|
Nakakahiyang mamahinga kapag ang lider ay di tumitigil. Talagang maganda ang "leadership by example." Tinuligsa ni Jesus ang mga dalubhasa sa Kautusan. "Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin ngunit ni daliri'y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon." Paano ka susundin kung di mo rin ginagawa ang iyong iniuutos? Paano sila magiging masipag kung ikaw mismo ay tamad? Ikaw ang modelong tutularan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|