|
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
24 October 2024 |
|
|
Nakalulungkot kapag may nahihiwalay. Pangarap ni Papa Francisco na sa Simbahang Sinodal ay kasama ang lahat at walang maiiwan. Inihula na ni Jesus na may mapapahiwalay dahil sa di pagtanggap sa kanyang aral. Doon pala nakaugat ang hiwalayan, maging ng mga magkakasambahay. Upang maiwasan ang pagkakawatak, dapat lahat ay laang tumanggap sa aral ng Panginoon. Walang sasalungat. Iisang pananampalataya. Ito ang buklod nating lahat. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|