 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
14 January 2025 |
|
|
Ang salitang "pakikialam" ay may dalawang pakahulugan-- negatibo at positibo. Ito ay maaaring panghihimasok o pagmamalasakit. Ayaw ng masamang espiritu na manghimasok si Jesus. "Ano ang pakialam mo sa amin?" Hindi iyan maaari sa ating pakikipag-ugnay sa Panginoon. Hindi maaaring wala siyang pakialam. Siya ang may hawak sa ating buhay. Nakikialam siya dahil mayroon siyang malasakit sa ating kapakanan. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|