Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
30 May 2025
 
Halos lahat ng liham ni Papa Francisco ay may kaugnayan sa tuwa at galak: "The Joy of the Gospel," "Rejoice and Exult" at "The Joy of Love." Sabi niya, ang salitang 'masaya' o 'mapalad' ay katumbas ng katagang 'banal.' Ipinapahayag nito na ang mga taong tapat sa Diyos at sa kanyang Salita ang magkakamit ng tunay na kasayahan.

Sa biblia, itinuturo na ang susi sa kagalakan ay kabanalan. Ito ang pangako ni Hesus bago siya umakyat sa langit: "At mag-uumapaw sa puso ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman."

*Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN