 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 01 June 2025 |
| |
|
|
Lumalayo ngunit nagbabasbas. Kayganda ng tagpo ng pag-akyat sa langit ni Jesus. Sa simula ng ebanghelyo ni San Lucas ay hindi nabasbasan ng paring si Zacarias ang bayan dahil siya at napipi. Sa huli, ang Dakilang Paring si Jesus ang nagbasbas. Nakakalakas ng loob ang pagpapalang iniwan ni Jesus. Ito ay nagbibigay pag-asa. Ngayong World Communications Day, akma ang paksa, "Sharing with gentleness the hope that is in your hearts." Ibahagi ang pag-asang dulot ng basbas ni Jesus. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|