Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 June 2025
 
Sabi ng isang nanay, "kahit hindi ako nakatuntong sa stage para tanggapin ang aking diploma, para na rin ako ang nagtapos kapag gumraduate na aking mga anak.... Kahit di ko narating ang mga bansang napasyalan nila sa abroad, para na rin akong nakarating dahil napuntahan ito ng aking mga anak, sapagkat sila ay bahagi ko at ako ay bahagi nila."

Ito ang mensahe ng Pag-Akyat sa Langit ni Hesus. Naabot na ng tao ang Langit. Damay tayo sa tagumpay ni Kristo: sapagkat inako niya ang ating pagkatao, kasama niya tayo sa pagbalik sa piling ng Ama sa langit.

Sa prepasyo sa Misa: "Ang pagluklok Niya sa Kanan Mo ay katiyakang sasapit kami sa lyo. "Christ is the beginning, the head of the church. Where he has gone, we, his body, hope to follow."

*Linggo ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN