Share the Thought by Msgr. Andro
05 June 2025
 
Ano ba ang buklod ng pagkakaisa? Walang iba kundi pag-ibig. Sino ang buklod ng pagkakaisa? Walang iba kundi ang Diyos. Sa ebanghelyo ay nanalangin si Jesus -- Ut unum sint. Nagdasal siya na sana'y maging isa ang lahat. Ang batayan ay pakikipag-isa niya sa Ama. Sila ay binubuklod ng pag-ibig. Wika nga ni San Agustin, "The Father is the Lover. The Son is the Beloved." Sino ang magbubuklod sa atin? Ang Diyos ng Pag-ibig.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN