Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
05 June 2025
 
Kabahagi. Hindi kumpleto ang ligaya kung wala kang kasama. Ayaw nating mamasyal o manood ng sine nang nag-iisa. Gusto nating may makabahagi sa ating sayĆ”.

Ang langit ay komunidad ng pagmamahal. Ang kaligtasan ay pakikipagkaisa sa buhay ng Diyos. Kung paanong ang nagmamahalan ay gusto laging magkasama, ganito rin ang paghahangad ni Hesus na makasama tayo sa kanyang kagalakan.

*Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN