Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 June 2025
 
Apoy. Ang apoy ay sagisag ng paglilinis. Ang ginto ay sinusubok sa apoy upang alisin ang karumihan at lumitaw ang taglay nitong kinang. Tayo ay dinadalisay ng apoy ng Espiritu sa ating pagsampalataya at pagtanggap ng binyag.

Ang buong buhay natin bilang Kristiyano ay pamumuhay ayon sa Espiritu. Hinahamon tayo na iwaksi ang lumang pamumuhay na ayon sa laman, at mamuhay nang may dangal ayon sa espiritu. Hayaan nating pugnawin ng Espiritu Santo ang anumang bagay na taliwas sa diwa ni Kristo.

*Linggo ng Pentekostes, Ikalimampu at huling araw ng Panahon ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN