Share the Thought by Msgr. Andro
11 June 2025
 
Magkaugnay ang pagsunod at kababaang-loob. Hindi tumatalima ang palalo. Ang nagpapailalim sa batas ay may mababang kalooban. Kaya pala winika ni Jesus na ang sumusunod sa batas ay dakila. Tunay na dinadakila ang mabababang-loob. Kayraming batas na dapat sundin. May batas ang Diyos. May batas ang lipunan. Matuto tayong sumunod sa diwa ng pagpapakababa. Ang Panginoon ay tunay na malulugod sa atin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN