 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 13 June 2025 |
| |
|
Pakikiapid. Sagrado ang kasal. Sakramento ito ng tipan ni Hesus sa simbahan. Ang ugnayan ng mag-asawa ay dapat sumalamin sa pag-ibig ni Kristo sa Simbahan.
Gayundin ang ating tipan sa Diyos: dapat ay buong puso, walang kondisyon, walang kahati at walang pasubali.
Bawat kasalanan ay maaring ihambing sa pakikiapid. Ang isang taong nagkakasala ay hatî ang puso. Siya'y namamangka sa dalawang ilog. Ipinagpapalit niya ang Diyos sa mga bagay na makalupa.
*Biyernes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|