Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
21 June 2025
 
Idolo. Ang pagsamba sa huwad na diyos (Ex 32:1-35) ay bumalik sa ating panahon sa anyo ng idolatria ng salapi, at ng diktadurya ng di-makataong ekonomiya, na salat sa tunay na layunin ng ating pagkatao.

Sa likod ng bawat pagkakasala, itinatakwil natin ang tunay na Diyos at pinipili natin ang panandaliang aliw ng mundo.

Hindi pwedeng maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Buhay at kamatayan ang nakataya. Kaligtasan o kapahamakan.

*Sabado sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN