 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 22 June 2025 |
| |
|
Himala. Hindi lang tinapay ang pinarami ni Hesus. Hinipo niya ang puso ng marami upang magbahagi. Tunay na nakakahawa ang pagkamapagbigay.
Huwag nating iisiping wala o kaunti lang ang kaya nating ibahagi. Kahit lilima ang tinapay at dadalawa ang isda, dadami ito kapag dinala kay Hesus. Siya ang magpaparami ng kaunting mayroon tayo.
Sa mga kamay ni Hesus, ang kaunti ay dadami, ang salat ay sasagana, at dilim ay magagapi ng liwanag.
*Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|