 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 23 June 2025 |
| |
|
|
Ihip sa lusong, sa sariling mukha ang tilapon. Ito ang patalinhagang paglalarawan ng panunuri sa iba na di nakikita ang sarili. Ito ang tinutukoy sa ebanghelyo na pagtingin sa puwing ng iba ngunit gatahilan ang nasa sariling mata. Wala nga tayong karapatang manlait sa iba kung tayo man ay higit na kalait-lait. Hindi natin maaaring maliitin ang kapwa kung tayo ay hamak din. Isang hintuturo sa iba, tatlong daliri sa atin. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|