Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
23 June 2025
 
Paghatol. Ang nakikita ng tao ay panlabas na anyo. Tanging Diyos lamang ang nakatatalos ng nilalaman ng ating puso.

Dapat maging mahinahon tayo sa pagpuna sa pagkukulang ng iba. Bawat isa ay may kanya-kayang isyu at problema. Wala sa atin ang karapatang humusga.

Mainam na taglayin natin ang pananaw ng Diyos sa pakikitungo sa kapwa. Ang gamitin natin ay ang panukat ng habag at pang-unawa.

*Lunes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN