Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
25 June 2025
 
Budol. Gumagamit ng matamis at mapangakit na pananalita para manloko ng tao. Sa huwad na pangako ng dagliang pagyaman, madami ang napaniniwala at nabibiktima.

Sa larangan ng relihiyon, marami ring namamahayag ng huwad na balita. Pinag-iingat tayo ni Hesus sa mga bulaang propeta. Huwag agad tayong maniwala sa sabi-sabi. Isa sa mabisang tanda ng kredibilidad ng ebanghelyo ay ang bunga nito sa buhay ng nananalig. Mas malakas ang bisa ng halimbawa kaysa sa taginting ng pananalita.

"What you are shouts loudly in my ears, I cannot hear what you say." (R. Emerson)

*Miyerkules sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN