 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 27 June 2025 |
| |
|
Wagas. Bago pa tayo magmahal, ang Diyos ang unang nagmahal. Bago pa tayo maghanap sa kanya, siya ang unang naghanap sa atin. Isinugo Niya ang kanyang Anak upang hanapin ang mga nawawala. Sa puso ni Hesus, nahayag ang awa at habag ng Diyos.
Tunay at wagas ang pag-ibig ni Hesus. Handang iwan ang lahat para sa minamahal. Iiwan Niya ang siyamnapu't siyam upang hanapin ang naliligaw.
Sana'y matularan natin ang kanyang puso sa pagkilos tungo sa lugar ng mga nawawala, nakakaligtaan at napapabayaan.
*Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|