 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 July 2025 |
| |
|
|
Kahit ang matagal nang sakit ay maaaring gumaling. Hindi nawalan ng pag-asa ang babaeng labindalawang taon nang dinudugo. Sinikap niyang mahawakan ang laylayan ng damit ni Jesus. May ulat sa Bagong Tipan na ang kapangyarihan ng taong nagpapagaling ay umaabot sa kanyang kasuutan at maging sa kanyang anino. Mayroon ba tayong karamdamang matagal nang nagpapahirap? Kasama si Jesus, may lunas pa 'yan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|