Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
06 July 2025
 
Bagahe. Sa buhay man o sa misyon, mahirap ang maraming bagahe. Di lang sagabal sa paglalakbay, nagiging sanhi rin ito ng distraksyon. Nakakawala ng focus at tamang prioridad. Ang isang kristiyano ay dapat manghawakan sa biyaya ng Diyos at hindi sa kanyang pag-aari.

Tinuturuan tayo ng ebanghelyo na maging malaya ang puso. Kapag inuna natin ang Diyos, lahat ng ugnayan ay malalagay sa ayos.

Anong mga bagahe na dapat na nating bitawan upang makatahak sa landas ng paglilingkod.

Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN