Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 July 2025
 
Panatiko. Ang mga pariseo ay kinikilalang eksperto sa batas at kabanalan. Subalit naging biktima sila ng sarili nilang kaalaman. May pagkakataon na nagiging bilanggo rin tayo ng maling paniniwala. Nagiging makitid ang pag-iisip, bulag sa sariling kamalian.

Ang 'pagbabalik-loob' (metanoia) ay 'pagbabago ng isip.' Kailangan natin ito upang makalaya sa lumang sarili. Kapag nabago ang ating isip, mababago ang ating asal; magbabago ang ating buhay.

*Martes sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN