Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
09 July 2025
 
Sinugo. May tatlong katangian ang mga apostol: sila ay hinirang ni Hesus, naging saksi ng kanyang buhay, at inatasang mangaral ng ebanghelyo.

Hindi man tayo personal na nakasaksi sa buhay ng Panginoon tulad ng mga apostol, tayo ay hinirang din, sa bisa ng binyag, upang magpahayag. Sa gitna ng lipunang nakakalimot sa Diyos , dapat makita sa ating buhay ang pagpapahalaga ng ebanghelyo. Ani Papa San Juan Pablo II, "The best form of proclamation is the witness of our life."

*Miyerkules sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN