Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 July 2025
 
Kapatid. Ang taong pinaslang sa Talinghaga ng Mabuting Samaritano ay sagisag ng mga dukha sa ating panahon [G. Gutierrez). Dahil sa kasalanang panlipunan, patuloy silang ninanakawan ng kanilang bahagi sa yaman ng daigdig. Niyuyurakan ang kanilang karapatan, at ay patuloy na nakakaligtaan ng lipunan.

May pagkakataon na tayo'y nagiging mga “saserdote at Levita” ng ating panahon. Sa labis na pagkahumaling natin sa mga seremonyas ng relihiyon, natatakpan ang ating mata at hindi natin makita ang mga pagdurusa sa ating paligid. (Fratelli Tutti, Ch. 2). Kung minsan, itinuturing nating 'excuse' ang pagiging 'taong simbahan' upang hindi makisangkot sa pagpapanibago ng lipunan.

Ang talinghaga ay paanyayang lumabas tayo sa bakuran ng pagkamakasarili upang tumungo sa mga pook na nangangailangan ng paglingap at paghilom.

*Ikalabing limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN