 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
13 July 2025 |
|
|
Nilampasan ka lang ng isang tao? Ah, wala siyang pakialam sa 'yo. Ganyan ang tagpo sa Talinhaga ng Mabuting Samaritano. Lumampas ang pari at ang Levita sa biktima. May dahilan naman sila. Baka sila maging "marumi." Sabi ng yumaong Papa Francisco (sa Fratelli Tutti), "wala silang pakialam" at aniya, maraming ganyan sa mundo. Nilalampasan ang mga kapus-palad at nakahandusay sa daan ng buhay. Nakalulungkot! |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|