Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
15 July 2025
 
Balik-Handog. Ang pinagkalooban ng maraming biyaya ay hihingan ng katumbas na pagtugon. "From everyone to whom much has been given, much will be required..."

Ang Capernaum ang sariling bayan ni Hesus; sa Betsaida naganap ang himala ng tinapay; Corazin ang lugar kung saan naroon ang luklukan ni Moises. Sa kabila ng lahat, ang mga naninirahan dito ay hindi tumugon sa panawagan ni Hesus.

Kaakibat ng malaking pribilehiyo ang mabigat na pananagutan. Bilangin natin ang ating mga pagpapala. Paano natin ito ibinabalik sa Diyos sa anyo ng paglilingkod sa kapwa?

*Martes sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN