 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
15 July 2025 |
|
|
Sabi ng isang awit, "Sayang na sayang lang ang pag-ibig ko." Parang ganoon din ang damdamin ni Jesus. Nanghinayang siya sa pag-ibig na laan sa mga bayan ng Corazin, Betsaida at Capernaum. Hindi sila nagsisi at nagbalik-loob. Tayo naman ay iniibig din ni Jesus. Nag-alay nga siya ng buhay upang tayo ay iligtas. Bakit manhid tayo sa kanyang pag-ibig? Bakit kulang pa rin ang ating tugon? Talagang kahina-hinayang tayo. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|