Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
16 July 2025
 
Marunong. Wala sa taas ng pinag-aralan ang kakayahang unawain ang karunungan ng Diyos. Mananatili itong lihim sa mga may palalong puso. Lampas sa kanilang pang-unawa ang misteryo ng Diyos-na-naging-tao. Taliwas ito sa lohiko ng mundo.

Maraming misteryo ng buhay na hindi kayang tanggapin ng katwiran, subalit kayang unawain ng pusong may pananalig.

Tunay ngang ang itinuturing na karunungan ng tao ay kamangmangan sa paningin ng Diyos.

*Miyerkules sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN