Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
21 July 2025
 
Himala. Sa pagkakatawang tao ni Hesus, nagpakita ang Diyos sa anyo at paraang ordinaryo. Ang kanyang pagkilos ay nagaganap sa paraang sakramental. Ang kanyang presenya ay nagkukubli sa likod ng mga karaniwang pangyayari.

Totoong may himala. Nagaganap ito araw-araw. Tanging sa pananaw ng pananalig lamang natin mababanaagan ang aktibong paggalaw ng Diyos sa ating buhay.

*Lunes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN