Share the Thought by Msgr. Andro
25 July 2025
 
Kapag nagdasal ang isang batang musmos, "Sana ay bumagyo para walang pasok," ah, hindi niya alam ang kanyang hinihingi. Tulad siya ng magkapatid na Santiago at Juan na nangarap ng tanging luklukan sa kaharian. Taliwas 'yon sa naisin at halimbawa ni Jesus na naglingkod hanggang kamatayan. Baka tayo ay nagdarasal nang hindi ayon sa gusto ng Diyos. Baka ito ay ating ikapapahamak. Sana'y unawa natin ang magiging bunga ng ating panalangin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN