Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 July 2025
 
Bunga. Sa panahon ng pag-aani, malalantad ang totoo. Ang mabuting binhi ay lalago at mamumunga; ang masamang damo ay lilitaw din at mahihiwalay.

Huwag nating hintayin ang anihan upang magsisi. Ngayon pa lang, tanungin natin: Ano ang itinatagong binhi sa ating puso? Binhi ba ito ng liwanag o ng dilim? Tandaan: sa dulo ng lahat, hindi salita kundi bunga ang sukatan ng ating buhay.

*Sabado sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN