Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 August 2025
 
Myopic. 'Nearsighted' o 'myopic' ang tawag sa sakit sa mata na nakakakita lang sa malapit. Ang pagiging 'myopic' ay maaari ring iangkop sa ating mga paniniwala. Kapag sarado ang isip, nakapinid na rin ang puso para maunawaan ang mas malawak na realidad ng lipunan.

Kailangan nating lumampas sa ating makipot na pananaw, isuot ang 'corrective lens' ng pananalig upang maunawaan natin ang pagkilos ng Diyos sa kasaysayan.

*Biyernes sa Ikalabing-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN