 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 02 August 2025 |
| |
|
Konsensya. Ito ang tinig ng Diyos sa ating kalooban. Pagkabagabag ang dinaranas ng mga taong naliligaw ng landas. Naghuhumiyaw ang ating budhi kapag nakakagawa tayo ng masama.
Sa ating panahon, ang tinig ng budhi ang gumigising sa lipunang nakakalimot. Dahil sa laganap na patayan, kasinungalingan, pagwasak sa kalikasan, ang mga ito ay nagmimistula nang normal o karaniwan.
Subalit sa iba't ibang paraan, hindi tumitigil ang Diyos sa kanyang pagpapahiwatig. "Today, if you hear His voice, harden not your hearts."
*Sabado sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|