 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 04 August 2025 |
| |
|
Sobra. Hindi lang tinapay ang pinarami ni Hesus. Dumami rin ang naging bukas-palad. Kulang ang himala ng tinapay kung walang himala ng puso. Nakakahawa ang pagkamapagbigay.
Ito ang dahilan kung bakit may lumabis pa. Walang nagtago ng para sa sarili. Walang nagbalot. Lahat ang inisip ay kapakanan ng kapwa.
Sa buhay, huwag nating iisipin na kaunti lang ang kaya nating ibahagi. Kahit lilima ang tinapay at dadalawa ang isda, dadami ito kapag dinala kay Hesus. Siya ang magpaparami ng kaunting mayroon tayo. Sa kamay na Hesus, ang kaunti ay dadami, ang salat ay maggiging sapat, at kulang ay lalabis pa.
*Lunes sa Ikalabing walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|