Share the Thought by Msgr. Andro
04 August 2025
 
Dalawa lamang ang kamay ni Jesus pero dumami 'yon dahil kumilos ang kamay ng mga alagad. Kapansin-pansin sa ebanghelyo na ginawa ng Panginoon ang mga alagad na bahagi ng himala ng pinaraming tinapay. Sila ang tagapagbigay sa mga tao. Diyos si Jesus at magagawa niyang mag-isa ang lahat. Gayunman ay nais niyang kabahagi ang tao. Paramihin din natin ang dalawang kamay ni Jesus. Ilahad natin ang ating mga kamay para sa kapwa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN