Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
03 August 2025
 
Hangal. Ang pag-aari ng tao ay parang bitag: nakakaakit pero nakamamatay. Mapanganib ang kayamanan. May kapangyarihan itong umalipin sa ating puso.

"Ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kanyang pag-aari." Walang kabuluhan ang yaman ng mundo kung hindi ito madadala sa hukay. Magkakaroon lang ito ng halaga kung magsisilbing kasangkapan ng paglilingkod sa kapwa.

Ang tunay na yaman ng tao ay nasusukat hindi sa dami ng kanyang naipon, kundi sa laki ng kanyang naibahagi. “Ang layunin ng hanapbuhay ay tumanggap, ngunit ang kahulugan ng buhay ay nasa paglingap.”

*Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN