 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 07 August 2025 |
| |
|
Profess. Sa pagsampalataya, isinasangkot natin ang ating buhay sa mga salitang ating ipinapahayag. "We implicate ourselves in the faith we profess."
Pero sa kabila nito, malimit na taliwas ang ating mga pagpapahalaga sa pananampalatayang ipinapahayag. Ang paggamit sa ngalan ng Diyos sa maling paraan, ang pagmamanipula sa katotohanan at ang paggamit ng kapangyarihan para isulong pansariling interes ay pawang taliwas sa diwa ng ebanghelyo.
Kapag tayo'y nagkukulang sa moral o panlipunang pamumuhay, itinatago natin, kaysa ipinapahayag, ang tunay na mukha ng Diyos at ng relihiyon.
*Huwebes sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|