Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 August 2025
 
Ligaya. Hindi hinahanap ang ligaya. Sa kabaligtaran, ito ay bunga ng paglimot sa sarili. Sa sandaling maghangad tayo ng ligaya para sa sarili, hindi natin ito makakamit. Mababaw na kasiyahan ang dulot ng makasariling paghahangad.

Ngunit kapag inuna nating hangaring maging maligaya ang iba, saka natin mararanasan ang tunay na kaganapan ng pagkatao. Ito ang ligayang hinahanap ng ating puso.

"A sad Christian is a contradiction in terms," ani Papa Francisco.

*Biyernes sa Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN