 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 08 August 2025 |
| |
|
|
Bakit ba lilimutin ang sarili? Bakit iyon ang bilin ni Jesus bago sumunod sa kanya? Kapag punung-puno tayo ng ating makasariling naisin, walang puwang sa atin ang nais ni Cristo. Hindi nga tayo makasusunod sa kanya. Kailangan munang iwaksi ang makasanlibutang pagnanasa upang magkalugar ang Panginoon sa ating buhay. Talikdan ang kasalanan. Kapag may pitak na si Jesus sa ating puso, doon ay mananahan na siya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|