Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
10 August 2025
 
Katiwala. Lahat ng mayroon tayo ngayon ay pahiram lang. Sinuman tayo o anumang mayroon tayo ay pag-aari ng Diyos. Tayo’y katiwala lamang.

4Ps na paalaala ng buhay-katiwala:

*Pag-aari : Ang Diyos lamang ang may-ari at pinagmulan ng lahat ng hawak natin.

*Pananagutan : Tungkulin nating pagyamanin at gamitin sa tama ang mga kaloob. Panánagutan natin ito sa Diyos. Magsusulit tayo sa kanya kung paano natin nilinang ang pagpapalang ating tinanggap.

*Proporsyon : Ang pinagkalooban nang marami ay hihingan nang marami. Higit ang responsibilidad ng taong maraming tinanggap kaysa sa mga taong di gaanong pinalad sa buhay.

*Pagpapala : ang mabuting gawa ay may katapat na pagpapala. Lumalago ang pagkatao at dangal ng tao sa paggawa niya ng kabutihan. 'Our work is our reward.'

Tayo kaya'y naging mabuting katiwala?

*Ikalabing siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN