 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 14 August 2025 |
| |
|
Basura. Ang pagtatanim ng galit sa kapwa ay polusyon sa ating espiritu. Nagagawa nitong agawin ang kaligayahan sa ating puso. Nagiging alipin tayo ng masamang kaisipan at poot.
Sa pagpapatawad, nililinis natin ang mga dumà sa ating kaluluwa na humadlang sa ating kalayaang magmahal. Dahil dito, nagiging bukas ang ating puso upang ito'y maging tahanan ng Espiritu at hindi 'basurahan' ng sama ng loob.
*Huwebes sa Ikalabing siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|