Share the Thought by Msgr. Andro
14 August 2025
 
Ang "walang puso" ay wala ring hiya. Siya ay wala ring utang na loob. Ginawan ng mabuti ngunit nakalimot. Kinahabagan ngunit walang habag sa kapwa. Ganyan ang tauhan sa salaysay ni Jesus sa ebanghelyo ngayon. Ang lingkod ng hari ay walang puso. Pinatawad sa kanyang utang ngunit naging malupit sa kapwa lingkod na may utang sa kanya. Baka ganoon din tayo. Ilang ulit na tayong pinatatawad ng Diyos ngunit hindi pa natin napapatawad ang kapwang nagkasala.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN