Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
15 August 2025
 
Langit. May puwang ang tao sa puso ng Diyos. Ang Langit ay hindi lang isang lugar sa likod ng mga ulap; ito ay mismong buhay kaisa ng Diyos.

Si Maria ang patunay na ang ating pagkatao ay mahalaga sa Diyos. Hindi Niya tinanggal ang pagka-tao ni Maria nang siya’y iakyat sa Langit. Sa halip, ito’y Kanyang niluwalhati. Nasa Diyos ang kaganapan ng ating makataong pag-iral. Ang pinakamatiyak at ganap nating kinabukasan ay ang Diyos.

*Agosto 15, Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN